ATTORNEY AT LAW (Part 26 BANTA)
May mga impormasyon si Attorney Enrique na naglalapit sa kanya sa pulitika. At naglalapit sa kanya ss banta ng panganib. Kahit alin sa mga nagbabanggaang kilusan ang kanyang piliin, ang nakataya ay ang katahimikan ng kanyang malaking pamilya.
“Ano yung tungkol kay Beng?” tanong ko kay Regina matapos ang aming mapusok na pagniniig sa malamig na silid na iyon sa isang mumurahing hotel sa Commonwealth Ave.
“Si Beng ang isa sa mga puno ng clandestine na ultra-rightist group na nagpaplanong muling ibalik ang dynasty ng pamilya ng diktaturya sa Plilipinas…” sabi nya.
“Sinimulan nila ito sa pagsuporta kay Digong. Pero kumaliwa si Digong. Hindi nila ito mahawakan…” dugtong nya.
“Alam mo ang nangyari kay Jessie? Ang DILG secretary ni P-Noy? Yung Mamasapano?” that was a part of a bigger conspiracy to bring down the yellows…” dagdag nya.
Natigilan ako. Ayokong makinig sa mga kwentong-kutsero. Yung mga haka-haka at wala namang sapat na batayan. Abugado ako. At essential sa akin yung irrefutable evidence.
Pero hindi ako kumibo. Tinitigan ko lang si Regina.
“Mag-ingat ka. May mga kasapi sa kilusan na militante ang pinipiling direksyon ng pakikibaka. Yung panalo mo sa Almendrez vs Bagong Sikat Homeowners ay isang mitsa…” babala pa nya.
“Naniniwala akong apolitical ka. Trabaho lang sa’yo yun. Pero may mga nasa loob ng kilusan na iba ang pananaw…” sabi pa nya.
Nasa bahay na ako at kasalukuyang nasa suite ako ni Trisha. Schedule nya. Naghahanda siya ng hapunan naming dalawa.
“Italian tayo ngayon Love,” sabi ni Trisha.
⚠ REPORT ABUSE
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





