Alab Ng Puso (Chapter 2)

..

SUMARA ANG PINTO. Sa isang iglap lang ay nakaupo na ako sa harapan ng kotse ni Miguel. Gulong gulo ang isip ko ngunit nanatiling tikom ang aking bibig. Mabilis na sumakay si Miguel sa kotse.

"Ready?"

Napatingin lamang ako kay Miguel. Hindi nagtagal ay tuluyan ng umandar ang sasakyan. Binaybay namin ang kahabaan ng EDSA. Nakatingin lamang ako sa labas kasabay ng pagtakbo ng maraming sasakyan sa kalsada.

Nakailang liko pa ang aming kotse. At sa bawat kabig ni Miguel ay palalim ng palalim ang aking hininga. Palakas ng palakas ang pintig ng aking puso. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o natatakot ako.

Magkahalo na ang aking emosyon. Lalo pa itong nabaliw ng makita kong pumasok ang aming kotse sa isang gusali. Diretso ito sa pinakailalim hanggang sa pumarada kami.

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow