Da Adventures Of Pedro Pembuto 7: Utang Na Loob ( REPOST BY ORIGINAL AUTHOR)
Nay LT POV
Umuwi ako sa aming Bahay na parang litong lito at di ko alam ang gagawin.Bumalik na lamang ako sa aking ulirat ng lapitan ako ng aking anak na babae.
"Nay, mano po" ang sabi nito sa akin sabay kuha ng aking kamay.
"San ka po galing?" ang tanong nito sa akin.
"Nak naalala mo si Kuya Pedro?" ang tanong ko dito habang umupo kami sa maliit na sofang gawa sa kawayan.
"Opo, un nagpahiram sa iyo ng pera, bakit po nay" ang sagot nito sa akin.
"Nasa Hospital kasi siya, may sakit" ang tugon ko sa akin anak.
"Kawawa naman pala si Kuya,tulungan natin nay. Pagdala natin ng Prutas" ang sabi ng anak ko.
"Nagdala na si Nanay kanina" ang sagot ko naman dito habang hinihimas ang mahaba nitong buhok.
"Kaso nak, need pa niya ng tulong eh" ang di ko malaman na sasabihin sa anak ko.
"Tulong lang tayo nay, hanggang gumaling siya" ang sabi nito sa akin at nagpaalam na siya na matutulog na.
Hinalikan ko naman ito sa pisngi at tska ako naiwan mag isa sa aking kinauupuan.
Dito nanumbalik sa akin ang alaala ng mga nasaksihan ko.
Ilang Araw bago ang kasalukuyan araw
Naglalakad ako papunta sa lamesa ng secretary ni Maam Z dahil nakisuyo ito na i xerox ko daw ung mga papeles para sa meeting nila. Sira kasi ung photo copier sa table nito kaya kailangan pa makixerox sa ibang palapag
Dahil wala naman akong ginagawa at mabait ang secretary ni Maam Z sa akin ay sumunod na ako sa pakiusap nito. Inabutan naman ako nito ng 100 pesos.
Aalis na sana ako dahil nakuha ko ang clearbook na kinalalagyan ng mga papeles nito ng makarinig ako ng mga mahinang halinghing sa opisina ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





