SADIK ( Parausan Part 10)

PES Certified Hit
..

Kagagaling lang sa Batha ni Andres. Nagpadala siya ng package sa Pilipinas. Naroon sa Batha ang opisina ng Courier na pinagpadalhan nya ng package.

Ang Batha ang isa sa mga shopping districts ng Riyadh kung saan nagtitipon-tipon ang mga expatriates na nagtatrabaho sa Riyadh, sa bansang Saudi Arabia. Ito ay maihahalintulad sa Divisoria dito sa atin sa Pilipinas. Naririto ang mga restorang pinoy, Hindi, Sri-Lankans, etc. Lahat halos ng mga foreign nationals na nagtatrabaho dito sa Riyadh ay may representative na mga restoran at mga supermarkets na may mga lutuin at mga produkto na galing sa kani-kanilang mga bansa. Uso din dito ang sampu-sampo. O yung mga produkto na nagkakahalaga ng sampung riyal bawat isa.

Dalawa lang ang mode ng pampublikong sasakyan dito. Ang taxi at ang bus. Ang bus ay sa highway lamang nagdaraan kaya karaniwang malayo ang nilalakad ng mga pasahero para makarating sa kanilang tinitirhan matapos bumaba mula sa bus na nanggagaling sa Batha at pabalik sa sentro ng Riyadh.

Sa isang taxi sumakay si Andres ng pabalik na siya sa sentro ng Riyadh. Nasa repair shop ang service nyang Datsun kaya wala siyang service ng araw ng Byernes na iyon.

Byernes ang restday ng halos lahat ng nagtatrabaho sa Riyadh.

Napuna nyang panay ang tingin sa kanya ng driver ng taxi sa rearview mirror, na sa ayos ng pananamit nito ay hinihinuha ni Andres na isang Pakistani. At dahil may maliit na bilog na sombrero ito sa ulo, tiyak nyang isa itong Muslim na Pakistani.

...
REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow